Special election sa 14 na barangay sa Lanao del Sur wala pang petsa

 

Wala pang pinal na ddesisyon ang Commission on Elections kung kalian gagawin ang special elections sa 14 na barangay sa Lanao del Sur.

Ayon kay Comelec Commissioner George, kailangan munang siguraduhin na ligtas ang lugar.

Una nang nagdeklara ang Comelec ng failure of elections sa 14 na barangay sa Lanao del Sur dahil sa banta ng terorismo at kaguluhan.

Ilang barangay sag a bayan ng Tuburan, Binidayan at butig ang hindi natuloy ang eleksyon dahil sa kaguluhan.

Ilang armadong grupo ang umagaw sa balota sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Garcia, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation laban sa mga salarin.

Sa ngayon, mag-iimprinta ang Comelec ng panibagong balota para sa 14 na barangay.

 

Read more...