Siyam na party-llist groups na ang nakakuha ng puwesto sa House of representative.
Ito ay base sa partial at official tally ng Commission on Elections na tumatayo ring National Board of Canvassers.
Kabilang sa mga nakakuha na ng 2 percent na boto ay ang ACT-CIS; Ako Bicol; 1-Rider; Ang Probinsyano; Sagip; Cibac; Ako Bisaya at ang Probinsyano Ako.
Maaring makakuha ng hanggang tatlong puwesto ang isang party-list group.
Ayon sa Comelec, maari ring makaupo sa puwesto ang mga party-list na hindi nakakuha ng 2 percent ng boto dahil kinakailangan na 20 percent ng mga miyembro ng House of Representative ay kinakailangan na galing sa marginalized sector.
MOST READ
LATEST STORIES