Ayon sa pahayag ng Quezon City Department of Public Order, kinausap nila ang organizer ng “Tayo ang Liwanag; Isang Pasasalamat” at ipinaliwanag na hindi maaring gamitin ang QMC.
Paliwanag ng QCDPO, dahil marami ang lalahok sa aktibidad, tiyak na magdudulot lamang ito ng matinding trapik lalo’t weekday gagawin ang naturang aktibidad.
Target ng organizer na gawin ang Thanksgiving activity sa Biyernes, Mayo 13.
Bukod sa trapik, magdudulot din ito ng pagka-stranded ng mga pasahero.
Sa halip na sa QMC, sa Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City na lamang gagawin ang Thanksgiving activity.
Ayon sa QCDPO, naunawaan naman ng organizer ang desisyon ng lokal na pamahalaan.