Palasyo, naglabas ng AO para sa paglikha ng Presidential Transition Committee

PCOO photo

Nagpalabas na ang Palasyo ng Malakanyang ng Administrative Order 47 na lilikha sa Presidential Transition Committee.

Sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang PTC ang magsisilbing overall at central coordinator ng national government.

Sinabi pa ni Medialdea na ang PTC ang mamamahala sa implementasyon ng transition activities ng buong gobyerno.

Titiyakin aniya ng PTC na hindi maantala ang pagbibigay ng serbisyo publiko.

Si Medialdea ang tatayong chairman ng PTC habang magiging miyembro sina Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin; Department of Finance Secretary Carlos Dominguez; Department of Budget and Management Undersecretary Tina Rose Canda; at National Economic and Development Authority Secretary Karl Chua.

Makikipag-ugnayan aniya ang kanilang hanay sa incoming administration para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang paliilipat ng kapangyarihan.

“Since we still have no proclaimed winner, official talks need to be put on hold for the moment. But preparation on our end needs to begin. We, after all, have more work to do,” pahayag ni Medialdea.

Inaatasan ng Administrative Order 47 ang lahat ng departmento, bureaus, at instrumentalities of government a bumuo ng internal transition committees na susuporta sa PTC.

“We assure the public that within the coming weeks, the entire Executive branch will continue to perform and dispense with its duties but ready to turn over the reins to the next president. It is the goal of the PTC to ensure a smooth and seamless transition while ensuring the continued and efficient delivery of public service,” pahayag ni Medialdea.

Read more...