Pilipinas, isa nang ‘Republika ng Marites’ – Duterte

PCOO photo

Isa nang ‘Republika ng Marites’ ang Pilipinas.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng mga tsismosa sa Pilipinas.

Tinagurian na “Marites” ang mga tsismosa sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang ang mga babae ang mahilig sa tsimis kundi maging ang mga lalaki.

“Lahat ang ano, this — hindi na ano, this is a Republic of Marites na ngayon eh. Lahat ng tao may tsismis, babae’t lalaki. Noon sa mga babae lang ‘yan but…” pahayag ng Pangulo.

Kawawa aniya ang mga babae na may pangalan na Marites dahil mapagkakamalan iyong tsismosa.

“Kawawa ‘yung mga babae na pangalan Marites talaga. Magsabi doon sa classroom, “Marites”, ganoon. Tsismosa. Lahat naman,” pahayag ng Pangulo.

Read more...