222,787 PNP personnel, makatatanggap ng mid-year bonus sa buwan ng Mayo

Inanunsiyo ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-charge, Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na nai-release na ang P7,321,377,087 pondo para sa mid-year bonus ng 222,787 tauhan ng pulisya.

“The dedicated funds are from the regular PNP appropriations itemized under the organization’s budget this year,” saad ni Danao

Taun-taon ibinibigay ang mid-year bonus sa mga pulis, na bahagi ng pondo ng pambandang pulisya kada taon.

Ayon kay PNP Finance Service Director Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. matatanggap ng mga pulis ang bonus sa pamamagitan ng kanilang ATM Payroll Accounts sa Landbank of the Philippines sa Mayo 17.

Pagbabasehan sa buwanang sweldo ang ibibigay na bonus sa mga pulis.

“This financial benefit is one of the many ways to recognize the dedication and hardwork of our men and women at the PNP. While it is true that our service to the country is priceless, the government finds it fitting to provide its employees with incentives on top of their regular salaries,” ani Danao.

Nilinaw naman nito na hindi ‘entitled’ na makatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na napatunayang guilty sa kasong kriminal o/at administratibo.

Read more...