‘4-peat bid’ ng Ateneo, buhay pa nang matakasan ang UP

UAAP photo

May pag-asa pa ang Ateneo Blue Eagles na masungkit ang kanilang apat na sunod na korona nang matakasan ang UP sa Game 2, 69 -66, sa UAAP Season 84 Men’s Basketball Finals sa Mall of Asia Arena.

Si Season 84 most valuable player (MVP) Ange Kouame ang kumayod para maitakas ang panalo matapos kainin ng Fighting Maroons ang kanilang 15-puntos kalamangan sa ikatlong yugto ng laro.

Gumawa ng 14 puntos, humugot ng 14 rebounds at walong pambubutata ang ginawa ng naturalized center ng Gilas Pilipinas.

Nakuha ng UP ang Game 1 para sa pag-asang wakasan ang pamamayagpag ng Ateneo.

Gaganapin sa Biyernes, Mayo 13, ang Finals’ Game 3.

Read more...