PCSO: Dalawa na ang lotto milyonaryo sa buwan ng Mayo

Dalawa na ang naging milyonaryo dahil sa pagtaya sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa buwan ng Mayo.

Ito ay matapos tamaan ang Super Lotto 6/49 na may P71.360-million jackpot prize, Miyerkules ng gabi (Mayo 10).

Sa isang lotto outlet sa Pasay City, tinayaan ang nanalong kombinasyon na 44 – 05 – 17 – 48 – 13 – 43.

Ang premyo ay papatawan ng 20 porsiyentong buwis alinsunod sa nakasaad sa Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Noong nakaraang Mayo 3, P51 milyon ang nakuhang jackpot prize ng isang mananaya sa Lotto 6/42 sa Pangasinan.

Read more...