Inanunsiyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagpapatuloy ang skills training para sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagbalik sa bansa dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.
Noong 2020, sa pamumuno ni Sec. Isidro Lapeña, binuo ang ‘TESDA Abot Lahat ang OFWs’ para sa pagsasanay ng OFWs, maging ng kanilang pamilya.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa TESDA na mag-alok ng ‘special training’ para sa OFWs upang magkaroon ng mga oportunidad maging sa ibang bansa.
Base sa inilabas na datos ng ahensiya, noong nakaraang taon, 27,452 OFWs at kanilang dependents ang sumailalim sa pagsasanay ng TESDA at 10,341 sa kanila ang nabigyan na ng sertipikasyon bilang ‘skilled workers.’
Ang mga kurso na kinuha ng maraming OFWs ay Entrepreneurship, Bread and Pastry Production NC II, Driving NC II, Domestic Work NC II at Caretaker II.
“Wem in TESDA, we always try to be more responsive to the needs of our kababayans. In the case of our repatriated OFWs, we make our services more accessible and then we train them to be equipped enough for new jobs or livelihood so they can continue to provide for their families even after they lost their jobs overseas,” ani Lapeña.