Sen. de Lima: VP Leni, Sen. Kiko nagbigay ng pag-asa, inspirasyon

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

Pinuri ni Senator Leila de Lima sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan dahil sa pagsisilbing mitsa ng pag-asa at inspirasyon sa milyun-milyong Filipino.

Aniya, kapuri-puri ang ginawang panghihikayat ng dalawa sa sambayanan para panindigan kung ano ang tama at makatarungan, gayundin ang kanilang panawagan para sa malinis at at tapat na gobyerno.

“Many of our countrymen are grateful to two of our leaders who sparked hope and inspiration to million of Filipinos – VP Leni Robredo and Sen. Kiko Pangilinan. My most profound and admiration to both of them whose tandem is the most potent force for good governance and effective leadership,” sabi ni de Lima.

Aniya, may pag-asa pa talaga dahil maraming Filipino ang nilabanan ang pagkalat ng mga maling impormasyon at ang pagtatangka na tuldukan ang kalayaan at demokrasya sa bansa.

Marami aniya ang naliwanagan, nagsalita at nanindigan para sa maayos na pamamahala, katarungan para sa mga biktima ng patayan at maiangat ang kabuhayan ng mga nasa laylayan ng gobyerno.

Read more...