Umiiral ang dalawang weather system sa bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist: Ana Clauren-Jorda, umiiral pa rin Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa buong Mindanao.
Magdadala aniya ito ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Caraga, Davao region, Soccsksargen, at Bangsamoro region.
Babala ng weather bureau, maari itong magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Posible namang makaranas ng isolated rainshowers sa Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Samantala, Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Karatagang Pasipiko ang nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ani Clauren-Jorda, hindi inaasahang magdudulot ito ng malawakang pag-ulan sa Luzon at Visayas.
Ngunit posible pa ring magkaroon ng thunderstorms sa Eastern section ng Luzon at Visayas.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw, walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na mabubuo sa teritoryo ng bansa.