Ayon kay Director Zoilo Velasco ng Department of Foreign Affairs – Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS), nasa 32 hanggang 33 porsyento ang naging voter turnout ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara sa 31.45 porsyentong voter tournout noong 2016 presidential elections.
“Ngayon, masasabi natin na naging mas excited silang bumoto kasi base lamang sa report na natanggap natin, iyong everyday ba na voter turnout ng mga kababayan natin sa abroad na pumupunta sa embassy o nagpapadala ng mga balota nila ay nasa mga 32%, 33% iyong voter turnout,” pahayag ni Velasco.
Sa kabila kasi aniya ng pandemya sa COVID-19, nakuha pa rin ng mga Filipino na magtungo sa mga embahada at konsulada para bomoto.
“So talagang napakaganda at napaka-successful ng ating botohan, overseas voting despite na alam naman natin na mayroong pandemic na naglilimita ng movement ng mga tao pero successful pa rin ang ating botohan,” pahayag ni Velasco.
Nasa 1.7 milyong botante ang nagparehistro sa overseas absentee voting.
Ayon kay Velasco, kung susumahin, nasa 550,000 ang nakaboto.
Binigyang diin pa ni Velasco na hindi pa naman pinal ang naturang bilang dahil nagpapatuloy pa ang canvassing sa ibang bansa.
Record high aniya ang voter turnout ngayong taon simula nang ipatupad ang Overseas Absentee Voting Act.
Ayon kay Velasco, ang mga bansang Hong Kong, Singapore, Dubai, Abu Dhabi, Riyadh kasama na ang Al Khobar ang may pinakamaraming bilang ng mga botante.
Hindi rin aniya nagpapahuli ang Kuwait, San Francisco, Tokyo, Doha at Jeddah sa mya pinakamaraming Filipino na bomoto.
Nasa kamay na rin aniya ng Comelec kung kalian magsasagawa ng special elections sa Shanghai matapos mag-lockdown dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.
Wala naman aniyang eleksyon o verseas absentee voting sa Iraq at Afghanistan dahil saa nangyayarong gulo doon.
Sa bansang Ukraine aniya, hindi na mahagilap ang mga Pinoy dahil nagkalat na sa Europa matapos ang ginawang pag-atake ng Russia.