Palasyo, nanawagan sa publiko ng pagkakaisa

Nanawagan ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na magkaisa para tuluyang maghilom ang bansa sa ingay sa pulitika.

Ginawa ng Palasyo ng Malakanyang dalawang araw matapos ang eleksyon kung saan nangunguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagka-pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, binabati ng Palasyo ang mga nanalo sa nakaraang eleksyon.

“The Filipino people have spoken and now is the time to heal and unite as one nation and one people,” pahayag ni Andanar.

Sinabi pa ni Andanar na ang katatapos na eleksyon ay pagpapakita na buhay ang demokrasya sa bansa.

“As we wait for the official and final results, we have to underscore that this year’s political exercise is a showcase of the strength of our democratic system and institutions. Further, the high voter turnout is evidence of the growing political interest and maturity of our people,” pahayag ni Andanar.

“We congratulate everyone for their cooperation in ensuring the 2022 national and local elections are generally peaceful and orderly,” pahayag ni Andanar.

Read more...