“The people have spoken tapos na ang halalan kayat bigyan naman natin ng pagkakataon ang pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa,” sabi ng Pambansang Kamao.
Aniya ipagdadasal niya na maraming mahihirap na Filipino ang aangat ang kabuhayan sa susunod na administrasyon.
Pagtitiyak naman nito na patuloy siyang tutulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang Manny Pacquiao Foundation.
“Hinding-hindi ko tatalikuran ang pagseserbisyo para sa bayan at para sa mga kasama kong mahihirap,” aniya.
Pinasalamatan din ni Pacquiao sa kanyang mensahe ang maybahay na si Jinkee dahil sa suporta at pang-unawa sa kanya.
Ayon pa sa senador sa ngayon ay magpapahinga na muna siya para sa mas mahabang panahon sa kanyang pamilya.