Naiproklama na bilang nanalong mayor si Joy Belmonte.
Ito na ang ikalawang termino ni Belmonte.
Pinangunahan nina Atty. Lope de Gayo Jr, chairman Board of canvasser, Atty. Vimar Barcellano Vice Chairperson, DOJ at Dr. Jennilyn Rose Corpuz, Member Secretary, Deped ang pagpoproklama kay Belmonte.
Nasungkit muli ni Belmonte ang posisyon matapos makakuha ng boto na 644,673 samantalang ang kalabang si Anak Kalusugan Rep. Michael Defensor ay nakakuha lamang ng 406,765 na boto.
Si reelectionist Vice Mayor Gian Sotto ay nakakuha ng 577,774 votes na malaki ang lamang sa katunggaling si Councilor Winnie Castelo na nakakuha ng 423,798 votes.
Sa 1st District ng Quezon City, ang anim na namayagpag sa pagkakonsehal ay sina Bernard Herrera – 120,063 votes, TJ Calalay- 117,189 votes, Doray Delarmente 115,253 votes, Sep Juico -102,685 votes, Nikki Crisologo – 93,383 votes at Charm Ferrer – 90,786 votes.
Sa District 2 ay nangungunang konsehal na may mataas na nakuhang boto si Mikey Belmonte – 146,939 votes, Candy Medina – 146,202 votes, Aly Medall – 121,663 votes, Dave Valmocina – 117,665 votes, Rannie Ludovica – 107,097 votes at Atty. Godie Liban – 103,345 votes.
Sa 3rd District, nangunguna sa pagkakonsehal si Kate Coseteng – 73,865 votes, Dok Lumbad – 65,582 votes, Chuckie Antonio – 63,316 votes, Don de leon – 57,995 votes, Wency Lagumbay-54,605 votes at Atty. Anton Reyes – 53,598 votes.
Sa District 4, nangungunang konsehal na nakakuha ng mataas na boto ay sina Egay Yap – 86,496 votes, Imee Rillo – 83,571 votes, Racquel Malangen – 82,594 votes, Irene Belmonte – 79,822 votes, Nanette Daza – 78,266 votes at Marra Suntay -76,705 votes.
Sa 5th District, nangunguna sina Joseph Joe Visaya – 140,009 votes, Alfred Vargas – 137,135 votes, Ram Medalla – 107,816 votes, Shay Liban – 96,602 votes, Aiko Melendez – 94,618 votes at Mutya Castelo – 89,723 votes
Sa 6th District, nangungunang may mataas na boto sina Doc Ellie Juan – 88,638 votes, Kristine Donny Matias – 86,886 votes, Eric Medina – 81,484 votes, Banjo Pillar – 72,656 votes, Vito Generoso Sotto – 70,888 votes at Victor Bernardo – 66,150 votes
Nanalong Congressman sa District 1 ay ang aktor na si Arjo Atayde – 111,742 votes na malaking lamang niya sa kalabang si Onyx Crisologo nanakakuha lamang ng 52,554 votes
Sa District 2 Congressman ay nanalo ang independent candidate na anak ni Raffy Tulfo na si Ralph Raffy Tulfo Jr. na nakakuna ng 124,468 votes na malaki lamang sa kalabang si Precious Castelo – 94,012 votes.
Sa District 3 ay nanalo si Incumbent Congressman FRanz Pumaren na nakakuha ng 59,782 votes laban sa kalabang si Allan Benedict Reyes na may 55,966 votes.
Sa 4th District ay mataas ang nakuhang boto ni Marvin Rillo na may 80,584 votes laban sa kasalukyang Congressman Bong Suntay na may 79,214 votes
Sa 5th District ay nakakuha ng malaking boto si dating Councilor PM Vargas ng 103,658 votes na malaking lamang sa kalabang si Ate Rose Lin na may 72,590 votes.
Sa 6th District ay nakupo ni dating Councilor Marivic Co-Pilar na nakakuha ng 95,471 votes na mas mataas kay dating Congressman Bingbong Crisologo na may 53,673 votes.