Mananatili si House Speaker Lord Allan Velasco bilang representante ng Marinduque.
Ipinroklama ng Marinduque Provincial Board of Canvassers si Velasco bilang panalo sa congressional race matapos makuha ang lahat ng election returns, araw ng Martes (Mayo 10).
Ito na ang ikatlong sunod na termino ni Velasco sa naturang probinsya.
Nakakuha si Velasco ng 100,794 votes.
Na-reelect din ang mga magulang ng House Speaker na sina retired Supreme Court Justice Presbitero Velasco Jr. bilang gobernador at Lorna Quinto Velasco bilang alkalde ng Torrijos.
“I am deeply honored and humbled by my reelection to the House of Representatives. I am extremely grateful to the people of my beloved province of Marinduque for putting their trust and faith in me to represent them in Congress for another three years,” pahayag ni Velasco.
Binati rin nito ang kaniyang mga kasamahan sa 18th Congress na na-reelect din sa Kamara.
Dagdag nito, “I look forward to seeing all my fellow House members as we and our Senate counterparts convene in two weeks’ time as the National Board of Canvassers which will canvass the votes cast, and proclaim the newly-elected President and Vice President of the Republic of the Philippines.”
Base sa datos, mayroong 161,538 rehistradong botante, ngunit, 140,674 lang ang bumoto sa Marinduque.