Naiproklama na ang mag-inang sina Lani Mercado-Revilla at Jolo Revilla bilang bagong kongresista sa dalawang distrito sa Cavite.
Sa congressional race sa unang distrito, base sa partial at unofficial resulta ng Commission on Elections (Comelec) transparency server, nakakuha si Jolo ng 101,809 votes, habang ang katunggali na si Doc Paul Abaya ay nakakuha ng 92,176 votes.
“Ang aking pagkapanalo ay susuklian ko ng tunay na serbisyo sa inyo,” saad ni Jolo sa Facebook.
Samantala, nanalo rin si Lani Mercardo-Revilla sa congressional race sa ikalawang distrito sa botong 168,385 votes. Malayo ang lamang sa nakuhang 18,142 votes ni Jose Herminio Japson.
Nanalo rin bilang broad member ng ikalawang distrito si Ram sa nakuhang 143,097 votes.
Malaki rin ang layo ng nakuhang 178,388 votes ni Strike laban sa 22,767 votes ni Jose Francisco sa mayoralty race sa Bacoor City.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Revilla sa kanilang mga tagasuporta.