LOOK: Partial/unofficial tally hanggang 9:29, Miyerkules ng umaga (Mayo 11)

(UPDATED) Si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. pa rin ang nangunguna sa presidential race sa 2022 National and Local Elections (NLE).

Base sa partial at unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server hanggang 9:29, Miyerkules ng umaga (Mayo 11), umabot pa sa 31,078,103 ang botong nakuha ni Marcos.

Sumunod naman si Vice President Leni Robredo na may 14,809,444 votes at Senator Manny Pacquiao na may 3,629,208 votes.

Pang-apat naman sa presidential race si Manila Mayor Isko Moreno na may 1,893,368 votes, habang nakakuha naman si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng 881,696 votes.

Samantala, nanguna rin ang ka-tandem ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa vice presidential race.

Nakakuha si Duterte ng 31,531,208 votes, sumunod si Senator Kiko Pangilinan na may 9,224,357 votes, at Senate President Vicente “Tito” Sotto na may 8,178,893 votes.

Nasa 1,847,394 votes ang nakuha ni Aksyon Demokratiko vice presidential bet Doc Willie Ong, habang 267,308 votes naman si Lito Atienza.

Narito naman ang pinakahuling ranking ng senatorial race vase sa partial/unofficial tally:
1. Robin Padilla – 26,425,173
2. Loren Legarda – 23,970,093
3. Raffy Tulfo – 23,147,149
4. Sherwin Gatchalian – 20,359,931
5. Francis “Chiz” Escudero – 20,032,039
6. Mark Villar – 19,190,792
7. Alan Peter Cayetano – 19,064,606
8. Juan Miguel Zubiri – 18,564,879
9. Joel Villanueva – 18,286,858
10. JV Ejercito – 15,678,083
11. Risa Hontiveros – 15,259,957
12. Jinggoy Estrada – 14,956,312

Nasa number 13 hanggang 15 na spot naman sina dating Vice President Jejomar Binay (13,173,936), Herbert “Bistek” Bautista (12,930,249), at Gibo Teodoro (12,560,108).

I-refresh ang page na ito upang malaman ang pinakahuling update.

Read more...