Canvassing sa senatorial at party-list votes, muling sinuspinde

Comelec photo

(UPDATED) Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan nang ipagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) en banc, na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC), ang canvassing ng mga boto para sa senators and party-list posts, muli itong sinuspinde, Martes ng hapon (Mayo 10).

Ayon sa Comelec, wala pang rehiyon sa bansa na nasa ‘green status’ na o nakakakumpleto ng pag-transmit ng kanilang certificates of canvass (COC).

Sa ibinahaging larawan ng poll body, ilang rehiyon ang nasa “yellow status,” ibig-sabihin ay partial transmission, at “red status” ibig-sabihin ay wala pang nata-transmit na COC.

Comelec photo

Ipagpapatuloy ang sesyon bandang 7:00, Martes ng gabi (Mayo 10).

Habang suspendido ang canvassing, mabilis naman ang paglabas ng mga resulta mula sa transparency server ng Comelec simula noong Lunes ng gabi.

Samantala, magsisilbi namang NBOC ang Kongreso para sa mga boto sa presidential at vice-presidential race.

Read more...