Walo katao, sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Sugatan ang walong katao sa serye ng mga pagsabog malapit sa Municipal Hall ng Datu Unsay, Maguindanao sa bisperas ng 2022 National and Local Elections.

Ayon sa ulat ng Maguindanao Provincial Police Office, naganap ang pagsabog pasado 7:00, Linggo ng gabi.

Sa ngayon, nagpapagaling ang mga sugatan sa Maguindanao Provincial Hospital.

Sinabi ni Col. Jibin Bongcayao, hepe ng Maguindanao Provincial Police Office, na apat na pagsabog ang nangyari sa bayan ng Datu Unsay, habang nagkaroon din ng hiwalay na pagsabog sa bayan ng Shariff Aguak.

Tiniyak ng pulisya na nagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang responsable sa insidente.

Kasunod nito, hinikayat ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report sa awtoridad sakaling makakita ng mga kahina-hinalang indibiduwal o aktibidad.

Read more...