Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 517.20 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 517.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 517,200,866 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,578,094 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,105,222 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,564,536 naman ang kaso sa Brazil habang 28,957,421 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,345,357
– United Kingdom – 22,114,034
– Russia – 18,227,666
– South Korea – 17,544,398
– Italy – 16,798,998
– Turkey – 15,043,379
– Spain – 12,009,059
– Vietnam – 10,676,184

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,276,303 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 471,830,151 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...