WATCH: Botohan para sa 2022 elections, nagsimula na

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsimula na ang botohan para sa 2022 National and Local Elections.

Ito ang unang botohan sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) chairman Saidamen Pangarungan sa pormal na pagbubukas ng botohan sa Andres Bonifacio Elementary School sa Pasay City, Lunes ng umaga, Mayo 9.

Ilang minuto sumapit ang 6:00 ng umaga, dumating si Pangarungan sa nasabing polling precinct.

Agad nag-inspeksyon si Pangarungan sa gagamiting vote counting machine.

Sa video na kuha ni Chona Yu ng Radyo Inquirer, makikita na maagang pumila ang ilang residente.

Sa panayam kay Mary Sapico, sinabi nito na mayroon pa siyang trabaho kaya maaga siyang pumila sa polling precinct para makaboto.

Sinaksihan din ni Pangarungan ang naganap na unang pagboto sa nasabing polling precinct.

Tatagal ang oras ng botohan hanggang 7:00, Lunes ng gabi.

Read more...