Incoming Excecutive Secretary umani ng papuri sa Malacañang

Salvador Medialdea
Inquirer file photo

Kumpiyansa si outgoing Executive Sec. Paquito Ochoa na magiging maayos at magaling na kapalit nito na si Atty. Salvador Medialdea.

Si Medialdea na personal na abogado ni incoming President Rodrigo Duterte at papasok na Executive Secretary sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Ochoa na sa kanyang pagkakakilala, mabait, simple at magaling na abogado si Medialdea.

Kaugnay nito sinabi ni Ochoa na nagpagawa na siya matrix ng mga records at mga programa sa Office of the President na kanilang itu-turm over sa susunod na administrasyon.

Naniniwala naman si Ochoa na maaring nag-iingat at may delicadeza ang grupo ni Duterte kaya hindi minamadali ang transition process habang hindi pa naipoproklama ang bagong pangulo ng bansa.

Read more...