Belmonte: Matanda na ako para bumalimbing

congress (1)
Inquirer file photo

Walang balak si House Speaker Feliciano Belmonte Jr na tumalon sa majority coalition pagsapit ng 17th Congress.

Katwiran ni Belmonte, matanda na siya para bumalimbing pa.

Dahil dito, sinabi ni Belmonte na okay na sa kanya na maging bahagi na lamang ng minority bloc ng Kamara.

Ito ang tiniyak ng outgoing House Speaker sa harap ng mga kapwa Liberal Party Congressmen sa naging pulong nila sa Kamara kaninang hapon.

Sa ngayon, wala pang katiyakan kung si Belmonte na ang magiging Minority leader sa susunod na Kongreso kahit pa tila nagparaya na siya ng speakership kay incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Batay sa panuntunan ng Mababang Kapulungan, ang tali sa speakership na pangalawa sa may pinakamaraming boto ay otomatikong magiging Minority Leader.

Nauna nang pinangunahan ni Belmonte ang pagbuo ng manifesto of support para sa inaasahang magiging bagong Speaker of the House.

Aabot na raw sa walumpung LP solons ang sumusuporta sa Alvarez leadership.

Read more...