LP Congressmen naghayag na ng suporta sa susunod na administrasyon

Liberal congs1
Inquirer file photo

Isinapormal na ng Liberal Party Congressmen ang pagsuporta sa speakership ni incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa 17th Congress.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpirma sa tinatawag na Manifesto of Support para kay Alvarez.

Ang pirmahan ay naganap sa Speaker’s conference room sa Batasan complex na dinaluhan ng 71 LP Congressmen kabilang mismo si House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Nilinaw naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi lahat ng taga-LP ay lumagda sa manifesto tulad ng nagbabalik-Kamara na si Albay Rep. Edcel Lagman.

Dagdag ni Gonzales na kahit pumirma ang LP solons at suporta si Alvarez ay hindi sila magkakalasan sa partido Liberal at ito ay mangangahulugan na parte pa rin sila ng majority coalition sa 17th Congress.

Read more...