633 sa 805 na depektibong VCMs, napalitan na – Comelec

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit 800 vote counting machines (VCMs) sa depektibo sa isinagawang final testing and sealing.

Base sa datos hanggang 11:00, Linggo ng umaga (Mayo 8), 805 VCMs ang natagpuang may depekto, kung saan 0.76 porsyento ng kabuuang 89,958 VCMs.

Sinabi ng poll body na sa nasabing bilang, 633 VCMs na ang napalitan.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, inaasahang matatapos ang pagsisiyasat sa lahat ng VCM bago matapos ang araw ng Linggo.

Samantala, 229 SD cards naman ang napag-alamang may depekto, ngunit napalitan na ang mga ito.

Nagsimula ang final testing and sealing ng Comelec noong Mayo 2.

Read more...