Sa Mayo 10 pa ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon kaugnay sa disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, sa Martes pa ilalabas ang promulgation sa kaso ni Marcos.
Paliwanag ni Pangarungan, napirmahan na ang tatlong disqualification case laban kay Marcos.
Pero dumating aniya noong Huwebes ang ikaapat na disqualification case kung kaya nagpasya siyang pagsabay-sabayin na ang paglalabas ng desisyon sa Martes.
Kaya sa Martes aniya ilalabas ang desisyon dahil special holiday sa Lunes, Mayo 9.
Sinabi pa ni Pangarungan na mas makabubuting hintayin na lamang ng publiko ang promulgation ng Comelec.
Kabilang sa mga naghain ng disqualification case laban kay Marcos ay ang Akbayan party-list; Abubakar Mangelen, chairman ng Partido Federal ng Pilipinas faction; Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law.
Ang ikaapat na naghain ng disqualification case ay ang grupong Pudno Nga Ilocano.