Napaulat na kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 517 milyon na

Manila PIO photo

Nakakapagtala pa rin ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 517,013,812 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,567,707 cases.

Pangalawa rito ang India na may 43,102,508 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,558,530 naman ang kaso sa Brazil habang 28,928,097 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,337,996
– United Kingdom – 22,114,034
– Russia – 18,222,219
– South Korea – 17,544,398
– Italy – 16,767,773
– Turkey – 15,041,899
– Spain – 12,009,059
– Vietnam – 10,673,915

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,275,882 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 471,674,376 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...