Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa tatlong lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na kabilang dito ang Malabon, Muntinlupa, at Pateros.
Samantala, 19 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa City of Manila; 13 sa Quezon City; tig-pito sa Parañaque, at Pasig.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Caloocan City (6)
– City of Makati (6)
– Taguig City (6)
– Pasay City (4)
– City of Las Piñas (3)
– City of San Juan (3)
– City of Marikina (2)
– City of Mandaluyong (1)
– City of Navotas (1)
– City of Valenzuela (1)
Sa kabuuan, umabot sa 79 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Sabado, Mayo 7.