Higit 472,000 na overseas voters, nakaboto na para sa 2022 elections

Comelec photo

Umabot na sa mahigit 472,000 na overseas voters ang nakaboto para sa 2022 National and Local Elections.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Mayo 7, nakapagtala ng kabuuang 472,559 overseas voters: kung saan 170,752 ang naitala sa Asia Pacific Region; 48,084 sa European Region; 181,399 sa Middle East and African Region; habang 72,323 naman sa North and Latin American Region.

Sinabi ng Comelec na ang naturang datos ay 27.84 porsyento ng kabuuang 1,697,215 na rehistradong overseas voter.

Noong 2019, umabot sa 18 porsyento ang final voter turnout ng overseas voters.

Nagsimula ang overseas voting noong Abril 10 at tatagal hanggang Mayo 9, 2022.

Read more...