Maliliit na negosyo, unti-unti nang nakakabangon sa pandemya

Inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na unti-unti nang nakakabangon ang maliliit na negosyante mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na kasunod ito ng mas maluwag na restrictions sa bansa kasunod na rin ng patuloy na pagbabakuna laban sa nakahahawang sakit.

Ngunit, sinabi ni Concepcion na mayroon pa ring hamon pagdating sa inflation sa bansa.

“Medyo may challenge lang tayo sa inflation, kasi dito sa Ukraine-Russia (war), tuluy-tuloy pa rin pagtaas ng commodity prices,” pahayag nito.

Dagdag nito, “Medyo nagiging problema ‘to kasi ang mga manufacturers, hindi nila kayang ipasa ‘to sa consumers kasi masyadong malaki.”

Kaya aniya, dapat manatili sa Alert Level 1 ang bansa.

“Dapat dito lang tayo sa Alert Level 1 at hindi pwedeng tumaas, kasi kung tumaas ‘yan, e babalik tayo sa dati. Kaya itong vaccination natin, especially ‘yung booster shots, medyo matumal. Maybe dahil dito sa elections. So hopefully after the elections, tumaas ulit ito,” ani Concepcion.

Read more...