Bilang ng naipadalang local absentee voting ballots sa Comelec, nasa 60,000 na

Comelec photo

Umabot na sa kabuuang 60,000 na local absentee voting ballots ang naipadala sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros, Maynila.

Base ito sa inilabas na datos ng poll body hanggang 6:45, Biyernes ng gabi (Mayo 6).

Katumbas ito ng 70 porsyentong voting turnout mula sa 84,357 na aprubadong local absentee voters mula Abril 27 hanggang 29.

Kabilang sa natanggap na accomplished ballots ang mga sumusunod:
– Philippine Army: 20,219
– Philippine Air Force: 2,756
– Philippine Navy: 293
– Philippine Marines: 19
– Philippine National Police: 32,332
– Department of Education: 1,653
– Bureau of Jail Management and Penology: 750
– Bureau of Fire Protection: 76
– Media: 868
– Comelec: 805
– Department of the Interior and Local Government: 17
– Philippine Coast Guard: 199
– Department of Foreign Affairs: 1
– Public Attorney’s Office: 2
– Culion Hospital: 1
– National Power Corporation: 9

Pinayagan ng Comelec na makasama sa local absentee voting ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, miyembro ng ilang ahensya ng gobyerno, at maging ang media workers.

Tatanggap ang opisina ng poll body ng local absentee voting ballots hanggang sa Lunes, Mayo 9.

Tiniyak ng Comelec na nakatago ang mga balota sa bantay-saradong kwarto at bubuksan lamang ito sa Lunes ng gabi para sa canvassing.

Read more...