Bilang ng pumanaw dahil sa COVID-19, lagpas 6.27 milyon na

AFP photo

Mahigit 6.27 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,274,493 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,024,386.

Sumunod na rito ang Brazil na may 664,143 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 523,975 naman ang death toll sa India habang 376,696 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 324,350
– Peru – 212,913
– United Kingdom – 176,212
– Italy – 164,304
– Indonesia – 156,357
– France – 146,608
– Iran – 141,157

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 516,447,605 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 471,124,276 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...