Operating hours ng LRT-1, extended sa Mayo 7

LRMC photo

Pinalawig ang operating hours ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa araw ng Sabado, Mayo 7.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), layon nitong bigyang-daan ang iba’t ibang election campaign activities sa Metro Manila sa nasabing petsa.

Inaasahan kasi ang kaliwa’t kanang aktibidad ng mga kandidato sa huling araw ng kampanya para sa nalalapit na halalan.

Ayon sa LRMC, tatakbo ang unang biyahe ng tren bandang 4:30 ng madaling-araw.

Aalis naman ang huling biyahe ng tren mula Baclaran dakong 9:45 ng gabi, habang 10:00 ng gabi mula sa Balintawak.

Read more...