Easterlies, patuloy na magdadala ng maaliwalas na panahon sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na umiiral ang Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario na asahang makararanas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa bunsod nito.

Hindi naman inaalis ng weather bureau ang posibilidad na makaranas ng isolated rainshowers o thunderstorms.

Sa susunod na tatlo hanggang limang araw, wala aniyang inaasahang bagyo na maaring mabuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sinabi pa ni Ordinario na walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin ng bansa.

Read more...