Sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, ang pekeng sales agents ay nanghihingi ng bayad sa ticket sa eroplano sa pamamagitan ng individual accounts at hindi sa official account ng kompaniya.
“We would like to clarify that they are not authorized by or connected with CEB. We encourage the public to remain vigilant and be careful to book their flights through the official Cebu Pacific Air website,” ayon pa sa Cebu Pacific.
Dagdag pa nito, maaring kanselahin ng CEB ang flight bookings na dumaan sa mga hindi awtorisadong transaksyon.
Bilin nila, ang official seat sales at promos ng Cebu Pacific ay maaring makita sa kanilang official social media pages at website.