Higit 450,000 na overseas voters, nakaboto na para sa 2022 elections

Photo credit: Comelec

Umabot na sa humigit 450,000 na overseas voters ang nakaboto na para sa 2022 National and Local Elections.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Mayo 6, nakapagtala ng kabuuang 458,324 overseas voters: kung saan 167,856 ang naitala sa Asia Pacific Region; 45,964 sa European Region; 173,229 sa Middle East and African Region; habang 71,274 naman sa North and Latin American Region.

Sinabi ng Comelec na ang naturang datos ay 27 porsyento ng kabuuang 1.6 milyong rehistradong oversead voter.

Noong 2019, umabot sa 18 porsyento ang final voter turnout ng overseas voters.

Nagsimula ang overseas voting noong Abril 10 at tatagal hanggang Mayo 9, 2022.

Read more...