Bagamat naayon sa batas ang dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth, sinabi ni independent presidential aspirant Panfilo ‘Ping’ Lacson na makakabuti kung ito ay ipagpapaliban muna.
Katuwiran ni Lacson, makatarungan lamang na pagpahingahin muna sa mga dagdag gastusin ang mga miyembro ng PhilHealth dahil nananatili ang mga hamon ng pandemya.
“It is within the provisions of the Universal Health Care Ac to increase, although it may not be advisable at this pointin time because we are still reeling from the effects of the pandemic,” sabi pa nito.
Noong nakaraang taon, ipinagpaliban na ang karagdagang 0.5 porsiyentong dagdag sa PhilHelath premium dahil sa pandemya.
Nabanggit din ni Lacson na maraming maliliit na negosyo ang hindi pa nakakabangon at dagdag panibagong pasanin sa kanila ang karagdagang kontribusyon sa PhilHealth sa kasalukuyang sitwasyon.