DOTr, LTFRB naglunsad ng Oplan Biyaheng Ayos: Halalan 2022

Inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Oplan Biyaheng Ayos: Halalan 2022 sa araw ng Biyernes, Mayo 6.

Paliwanag ng ahensya, layon nitong matugunan ang pangangailangan sa pampublikong transportasyon sa inaasahang pagdami ng mga pasaherong uuwi upang bumoto sa iba’t ibang probinsya.

Katuwang ng LTFRB ang iba pang ahensya ng gobyerno, tulad ng Philippine National Police (PNP) at Office of Transportation Security (OTS).

Sinimulan na ang LTFRB sa inspeksyon ng mga terminal na inaasahang dadagsain ng mga pasahero.

Paalala ng ahensya sa lahat ng terminal operators na gawin ang mga hakbang upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Dahil patuloy ang pagpapatupad ng Service Contracting Program, maaring makalibre ng sakay ang mga pasaherong patungo sa Northern Luzon. Kabilang rito ang Route 38 (Cubao – North Luzon Expressway Terminal) at Route 39 (Paranaque Integrated Terminal Exchange – North Luzon Expressway Terminal).

Siniguro naman ng LTFRB na may supply ng mga provincial bus kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Ilang pronvincial bus operators na ang nabigyan ng Special Permit (SP) na bibiyahe sa ilang ruta sa Region 1, 2, 3, at CAR, maging sa North Luzon Expressway Terminal (NLET).

Panawagan naman ang LTFRB sa publiko na i-report sa mga awtoridad sakaling makakita ng mga kahina-hinalang indibiduwal o aktibidad.

Read more...