Commissioning ceremony ng BRP Teresa Magbanua, isinagawa ng PCG

PCG photo

Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng commissioning ceremony sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Port Area, Manila Biyernes ng umaga (Mayo 6).

Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang seremonya para sa 97-meter multi-role response vessel (MRRV).

Ginawa ito ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. na naka-modelo sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG).

“As we celebrate BRP Teresa Magbanua, we reaffirm our consecration as Philippine Coast Guard to the service of people; to the service of country,” pahayag ni Tugade.

Dagdag nito, “Sinasabi natin sa sambayan: Sambayanang Pilipino, nandidito kami ngayon, kasama na namin ang dagdag na numero. Kasama na namin ang pasilidad na kung saan, umasa kayo na gagawin ng Philippine Coast Guard ang kanyang katungkulan nang sa ganon mapalaganap at mapalago yung humanitarian at safety concerns and commitments ng Philippine Coast Guard.”

Pinasalamatan naman ng kalihim ang mga kinatawan ng Japanese Government para sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa mga proyekto ng administrasyong Duterte.

Samantala, sinabi naman ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu na darating sa bansa ang ikalawang 97-meter MRRV sa buwan ng Hunyo.

Oras na ma-komisyon sa serbisyo, tatawagin itong BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

Nagpasalamat din si Abu kina Pangulong Rodrigo Duterte at Tugade sa pagpapaigting sa pwersa ng PCG.

Bahagi ang dalawang barko ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase 2 (MSCIP II) ng DOTr para sa progresibong modernisasyon ng PCG.

Read more...