Number coding scheme, suspendido sa Mayo 9

Suspendido ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mismong araw ng 2022 National and Local Elections sa Lunes, Mayo 9.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding scheme simula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Palasyo ng Malakanyang na special non-working holiday ang Mayo 9.

Ibig sabihin, ayon sa MMDA, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa nasabing oras.

Read more...