Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 515 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 515 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 515,910,470 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,437,158 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,094,548 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,524,183 naman ang kaso sa Brazil habang 28,849,915 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,203,564
– United Kingdom – 22,102,983
– Russia – 18,211,178
– South Korea – 17,464,782
– Italy –  16,682,626
– Turkey – 15,038,495
– Spain – 11,953,481

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,272,189 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 470,749,944 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...