Nabawasan ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Marso.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 5.8 percent o katumbas na 2.87 milyong Filipino ang walang trabaho.
Mas mababa ito sa 6.4 percent o 3.13 milyong Filipino na walang trabaho noong buwan ng pebrero.
Sinabi pa ng PSA na mas mababa rin ang 5.8 percent na naitala noong Marso 2022 kumpara sa 7.1 percent o 3.44 milyong Filipino na walang trabaho kumpara noong Marso 2021.
Tumaas naman ang underemployment o ang bilang ng mga Filipino na nangangailangan ng dagdag na trabaho o oras sa trabaho.
Mula sa 6.38 percent o 7.42 milyong Filipino na underemployed noong Pebrero, tumaas naman ito sa 15.8 percent o 7.42 milyon noong Marso.
Bahagyang gumanda rin ang employment rate sa bansa.
Nasa 94.2 percent o 46.98 milyon ang may trabaho noong marso kumpara sa 93.6 percent o 45.48 milyon noong pebrero.
Ayon sa economic managers, ang pagluluwag sa mga quarantine restrictions kontra COVID-19 ang dahilan ng pagkakaroon ng dagdag na trabaho sa bansa.