Davao Oriental, niyanig ng 5.1 magnitude na lindol

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Tarragona, Davao Oriental kaninang 8:02 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 060 kilometers.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani.

Naitala naman ang Instrumental Intensity 1 sa Nabunturan, Davao de Oro. Alabel, Sarangani; Koronadal City at Santo Niño sa South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Wala namang naitalang nasirang ari-arian matapos ang lindol.

 

Read more...