Magtatayo ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng transition housing para sa 109 na pamila na nasunugan sa Brgy. UP ng naturang lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ito ay matapos makipagkasundo ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng University of the Philippines Diliman Chancellor Fidel Nemenzo.
Ayon kay Belmonte, ipatatayo ang transition housing habang inaayos pa ang pagkakaroon ng usufruct agreement kung saan maaaring manatili ang mga residente sa loob mismo ng barangay UP Campus.
Sinabi pa ni Belmonte na patuloy na tutugunan ng lungsod ang mga pangangailangan ng mga biktima sa utilities, at pagtatatag ng community kitchen.
Idiniin ng pamahalaang lungsod na ipatutupad pa rin ang in-city relocation sa mga informal settler families sa pamamagitan ng pagpapatayo ng abot-kaya, maayos at ligtas na socialized housing para sa mga QCitizens.
Personal na binisita kahapon ni Belmonte ang mga nasunugan na nasa mga evacuation site.
Nabigyan na rin ang mga nasunugan ng paunang tulong mula sa pamahalaang lungsod, barangay, at iba-ibang non-government organizations.