100 pamilya, nakatanggap ng titulo ng kanilang lupa sa QC

Aabot sa 100 pamilya na informal settlers ang nakatanggap na ng titulo ng kanilang lupa sa Barangay Gulod, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, magkakaroon na ng lupang mapagtatayuan ng permanenteng tahanan ang mga informal settler.

Ayon kay Belmonte, nabili ang lupa sa pamamagitan ng direct sale at direct purchase program.

“Sinisikap ng pamahalaang lungsod na mapabilis ang proseso ng pagbibigay natin ng permanenteng tahanan at maging in-city ang ating housing program kung saan ang mga mamamayan ay mananatili sa QC at hindi na mapupunta pa sa lugar na malayo sa kanilang kinagisnan at pinagkakakitaan,” pahayag ni Belmonte.

Base sa talaan ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD), nasa 17,000 underprivileged beneficiaries ang nabigyan na ng security of land tenure mula noong July 2019 dahil na rin sa Land Acquisition and Socialized Housing program ng lungsod.

“Iisa lang naman ang layunin ng ating lokal na pamahalaan: ang maisakatuparan ang pangarap ng bawat QCitizen na magkaroon ng maayos at disenteng tirahan sa lungsod kung saan sila pinanganak, lumaki, umibig, nagkapamilya, at naghahanap-buhay,” pagayag ni Belmonte.

Read more...