Grupo ng mga OFW, nanawagang bawiin ang deployment ban sa Saudi Arabia

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Manila.

Ito ay para ipanawagan kay Labor Secretary Silvestre Bello III na bawiin na ang deployment ban sa Saudi Arabia.

Ayon kay Ferdinand delos Reyes ng OFW One Voice Group, hirap na ang kanilang hanay dahil walang trabaho sa bansa bunsod ng pandemya sa COVID-19.

Hindi maikakaila, ayon kay delos Reyes, na mas maganda ang oportunidad sa abroad kaysa sa Pilipinas.

Pag-amin ni delos Reyes, batid ng kanilang hanay ang lungkot na mawalay sa pamilya pero kailang kumayod para may maipangtustos sa mga pangunahing pangangailangan.

Una rito, nag-isyu ng kautusan ang Department of Migrant Workers na lifted na ang deployment ban sa Saudi Arabia.

Pero sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nanatili pa ang deployment ban sa naturang bansa.

Read more...