Inirerespeto ni independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson ang desisyon ng Iglesia ni Cristo (INC) na mag-endorso ng ibang kandidato.
Ayon kay Lacson ‘personal choice’ ng INC ang pagpili sa Uniteam tandem nina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte.
Ngunit naniniwala ito na ang pag-endorso ng kongregasyon ay hindi nangangahulugan na ng panalo ng mga napiling kandidato.
Paliwanag ni Lacson, base sa kasaysayan, hindi lahat ng inendorso ng INC ay nanalo, gayundin may mga pagkakataon na nanalo ang mga hindi nila napili.
Bagamat aminado ito na malaking tulong sa sinomang kandidato ang endorso ng INC.
MOST READ
LATEST STORIES