Sinabi ni Maj. Gen. Val de Leon, ng PNP Directorate for Operations, 10 na sa naturang bilang ang ‘validated.’
Nabanggit din nito, sa 53 insidente, na naitala simula noong Enero 9 hanggang Mayo 2, may 84 biktima, na kinabibilangan ng mga kandidato, opisyal ng gobyerno at election officers.
May 145 suspek naman sa mga insidente ang nakilala at sila ay mga miyembro ng threat groups, sibilyan, kandidato at mga uniformed personnel.
Base sa datos, sa 10 naberipikang ERIs, apat sa Ilocos Region, tatlo sa Zamboanga, at tig-isa sa Central Luzon, Northern Mindanao at Cordillera.
Kabilang na dito ang insidente sa Pilar, Abra kung saan nagkasagupa ang mga pulis at tauhan ni Vice Mayor Jaja Disono.
Sa bahagi ng Commission on Elections (Comelec), 14 lungsod at 104 bayan ang bumagsak sa ‘red category at may 10 lugar ang nasa Comelec control dahil sa posibleng pagkakaroon ng ERIs.