Ang pagsuporta kay Sotto ay ginawa ng Christian Coalition Movement matapos himayin at suriin ang mga plataporma at programa ng lahat ng mga kandidato, ayon kay Bishop Joshua Carbonell.
“He (Sotto) is the righteous man of God, we are looking for to become one of the country’s next leaders,” sabi ni Bishop Carbonell.
Dagdag pa nito; “Salamat sa Panginoon, nakakausap naming ang ating Senate President. Nakita po natin mismo ang kaseryosohan niya sa gusto niyang gawin sa bansang ito.”
Aniya nakumpirma nila na hindi lamang relihiyoso si Sotto, kundi tunay na may takot sa Diyos.
Ayon naman kay Bishop Vicente Vicencio ang pag-endorso nila kay Sotto ang naiiisip nilang isa sa mga paraan ng kanilang pagtulong sa gobyerno.
Diin niya, nakita nila kay Sotto ang mga katangian na hinahanap nila sa isang lider, naniniwala sa kahalagahan ng buhay, kasal, kasarian at ang pagkakaroon ng ‘moral conviction and ethical standards.’